isinulat ni Kim Naparan
Graphic by Rozelle Javier
Hindi maikakaila ang malaking impluwensya’t epekto ng mga pagbabagong dulot ng social media sa buhay ng mga Filipino.
Kaya naman hindi na kagulat-gulat na ang salitang “selfie” ang nagwagi at naitanghal na “Salita ng Taon” ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong ika-25 ng Setyembre sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.
Idinaos ang “Pambansang Kumperensya sa Wika at Sawikaan: Salita ng Taon 2014” noong ika-25 hanggang ika-27 ng Setyembre sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa nasabing unibersidad.
Dinaluhan ng mga guro, mga propesor, at mga mag-aaral ng iba’t ibang paaralan at unibersidad na galing pa sa malalayong probinsya, mga dalubwika at mga alagad ng sining, mga kilalang personalidad at mga taga-medya ang kumperensya.
Inilaan sa unang araw ng kumperensya ang dalawang forum kung saan tinalakay ni Masanao Oue ng Osaka University ang “Kalagayang Pangwika sa Japan” habang sina Michael Tan at Mahar Lagmay ang tumalakay sa “Wika sa Iba’t Ibang Larangan”.
Pinamagatang “Wika sa Social Media” ang kay Tan at “Wika sa Paghahanda sa Kalamidad” naman ang kay Lagmay.
Kasabay din sa unang araw ang “Susing Panayam: Edukasyong Pangkultura” ni Virgilio Almario na naging hudyat ng malalalim na diskusyon para sa araw na iyon.
Naganap sa ikalawang araw ang mga presentasyon ng mga nominadong mga Salita ng Taon, pagbobotohan para sa Salita ng Taon, at paggawad sa mga nagwaging ispiker.
Sa ikatlo at huling araw ng kumperensya, ginanap naman ang mga workshop para sa tuon ng pagtuturo na pinamagatang “Wika ng Kahandaan, Kahandaan sa Wika” na siya rin mismong tema ng kumperensya.

SAWIKAAN 2014: IKA PITONG SAWIKAAN
Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong itinaguyod ng Filipinas Institue of Translation, Inc. (FIT) na isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan ng nakalipas na taon.
Kasama rin sa pagtataguyod ng FIT ang KWF, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Kolehiyo ng Arte at Literatura (UP KAL), Commission on Higher Education (CHEd), at Department of Education (DepEd).
Naniniwala ang FIT at ang mga organisasyong pangwikang kasapi sa proyektong ito na ang paglulunsad ng Sawikaan kada dalawang taon (na dati’y taunan ginaganap), ay isang malikhain at mabisang estratehiya upang maitampok ang dinamismo ng wikang Filipino.
Ilan sa mga nakaraang naitanghal na Salita ng Taon ay ang “canvass” ni Randy David (2004), “jueteng”/”huweteng” ni Roberto Añonuevo (2005), “lobat” ni Jelson Estrella Capilos (2006), “miskol” ni Adrian Remodo (2007), “jejemon” ni Rolando Tolentino (2010), at “wangwang” ni David Michale San Juan (2012).
Ang mga salitang nominado para maging Salita ng Taon ay maaaring bagong imbento, bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika, luma ngunit may bagong kahulugan, o patay na salitang muling binuhay.
Mula sa mga salitang naging popular at bukambibig ng mga Filipino, 13 lamang ang naging nominado para maging Salita ng Taon.
Maliban sa “selfie” na nagwagi matapos i-nomina nina Joey Reyes at Noel Ferrer, nagkamit ng ikalawang gantimpala ang salitang “endo” habang ikatlong gantimpala naman ang salitang “Filipinas”.
Nominado ang mga salitang “bossing” ni Frederick Perez, “CCTV” ni Christoffer Mitch Cerda, “endo” nina David Michael San Juan at John Kelvin Briones, “Filipinas” ni Rebecca Añonuevo, “hashtag” ni Mark Angeles, “imba” ni Xavier Roel Alvaran, “kalakal” ni Christine Maria Magpile, “PDAF” ni Jonathan Vergara Geronimo, “peg” ni Jethro Tenorio, “riding-in-tandem” ni Joselito delos Reyes, “storm surge” ni Carlo Arcilla na ipinirisinta ni RR Cagalingan, at “whistle blower” ni John Enrico Torralba.
Ang mga nominadong salitang ito ay dulot ng mga nauusong laro at ng teknolohiya; naging laman ng telebisyon, mga social network, at balita; bunga ng kontrobersya sa politika; o dala ng mga ulat-panahon at kalamidad.
Ayon kay Virgilio Almario, ang ilan sa mga nominadong salita bagamat hindi purong Filipino at maaaring kolokyal ay masasabing bunga ng mga pangyayaring tunay na nakaaapekto sa kamalayan ng mga Pilipino.
"Marami sa mga nominadong salita ay bunga ng pangyayari na masyadong naapektuhan ang ating consciousness ng Internet at technology," sabi ni Almario.
Dagdag pa ni Almario, karamihan sa mga salita sa listahan ay tumutukoy sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa pati ang pagsalamin nito sa mga kasalukuyang isyung pambayan.
"Ang mga Filipino ay nakakasunod sa kung ano ang nagiging pagsulong sa larangan ng teknolohiya, at ang 'selfie' ay isa lamang patunay sa pangyayaring ito," dagdag pa niya.
Hindi rin basta-basta ang pagpili ng salita para sa Salita ng Taon. Ayon kay Edgar Samar, direktor ng UP KAL, dapat isaalang-alang ng mga hurado at mga botante ang kahusayan ng mga presentasyon ng isang ispiker.
“Boboto po tayo ng top three na mga salita at galing sa tatlong iyon ay pipiliin natin ang magiging salita ng taon. Tanging mga presentasyon at lalim ng mga saliksik ng mga ispiker sa araw na ito ang isa sa ating batayan. Sana’y pinakinggan niyong mabuti ang kanilang mga hinandang talumpati,” dagdag ni Samar.
Isinaalang-alang sa pagpili ng Salita ng Taon ang kabuluhan at gampanin ng salita sa buhay ng mga Filipino, ang pagsalamin nito sa kalagayan ng lipunan, ang idinulot nitong epekto sa kulturang popular sa bansa, ang lawak ng bawat saliksik ng mga naimbitihang ispiker sa kumperensya at pati ang kagalingan nila sa pagpresenta at pagdepensa ng kanilang mga argumento tungkol sa ipinasang salita.

SELFIE: ANG KAGANDAHAN AT KAHINAAN NITO
Ayon kina Reyes at Ferrer, ang paggamit ng salitang selfie ay nagbibigay ng sense of empowerment sa mga tao na ibahagi ang kanilang sense of aesthetics sa iba.
Base sa depinisyong ibinigay ni Ferrer, ang selfie ay isang litrato kung saan ang kumuha nito ay kasama mismo sa larawan. Kadalasan, ang mga smartphones na may front camera ang ginagamit sa pagkuha ng isang selfie.
“Lahat na siguro tayo ay nangarap maging isang artista o star ng kanya-kanyang mga buhay natin. Sa pamamagitan ng pagse-selfie, naipapakita natin na kahit papaano, tayo mismo ang bida, kumbaga nais nating maging kilala ng tao,” ani Ferrer.
Gayunpaman, nagagamit din ang mga selfie sa pagtulong sa iba, sa pagbabalita, at sa pagsulong ng isyu o galaw ng pulso ng bayan sa tulong ng social media.
Sa isang banda, isinawalat naman ni Reyes na ang selfie ay manipestasyon din ng kultura ng narsisismo o ang kaisipang makasarili ng tao, at nagiging isang "marketing ploy" ng mga kompanya.
Ayon kay Reyes, ang narsisimo na winika rin ni Bishop Teodor Bacani, ay ang pagsusulong ng “isang kulturang nagsusulong ng pagkamakasarili”.
“Pinalalakas ng selfie ang narsisismo ng mga tao. Ito ang likas na paghanga natin sa sariling katangian. Pero hindi lang `yun. May bahid na rin ng komersyalismo ang selfie,” wika ni Reyes.
Matapos ang paggawad ng gantimpla para sa salitang selfie, nagbigay muli ng munting talumpati si Ferrer. “Sana mas maging responsable ang mga selfie natin. Alam kasi natin ang lawak ng gamit ng selfie. Sana magamit natin ito para mas maging maganda ang tingin natin sa bawat isa tulag ng sa isyu ng kasarian. Sana may gender equality. At ito rin ay hamon sa konsepto ng kagandahan, kasi kahit sino ngayon, pwedeng mag-selfie.” aniya.
Binanggit din ni Ferrer ang pagkakaroon ng “empowerment medium” ng selfie. “Ang selfie ay may maraming gamit sa buhay natin. Kita niyo naman sa balita, kahit selfie lang `yan, mahalaga pa rin iyan. Mayroon itong halaga sa pagtulong sa iba at pagtalakay sa isyung panlipunan kahit sa simpleng paraan,” wika niya.
Hindi na matatawaran ang angking katangian at kalakasan ng selfie. Maski anong edad, kasarian, trabaho, o estado sa buhay, aminado na ang mga Filipino ay sadyang mahilig sa pagkuha ng selfie.

FILIPINAS: SELFIE CAPITAL NG MUNDO
Naipakita rin sa presentasyon nina Reyes at Ferrer na ang Filipinas ang may hawak ngayon ng titulong “Selfie Capital of the World”.
Ayon sa isang artikulong inilabas ng TIME Magazine noong Marso, ang Filipinas ang nangunguna ngayon sa larangan nang pagkuha ng selfie. Ang mga lungsod ng Makati at Pasay ay parehong nasa ika-1 posisyon habang ang lungsod ng Cebu ay nasa ika-9 na posisyon naman.
Naitala ang bansa ng may pinakamaraming selfie sa buong mundo na aabot sa 4, 155 na mga selfie ng 2, 915 ng mga taong gumagamit ng mga gadyet tulad ng camera, smartphone, at iba pa.
Sa Makati at Pasay pa lamang, tinatayang may 258 na taong kumukuha ng selfie sa bawat 100,000 na mga mamamayan. Samantalang mayroong 99 selfie-takers sa bawat 100,000 na katao sa Cebu.
Nakasaad din sa artikulo na ang lungsod ng Makati bilang financial center ng bansa ay maaari nang magkaroon ng panibagong pagkilala matapos nito. Sabi ni Chris Wilson, editor ng TIME noong Marso, "The city, part of Metropolitan Manila and home to 500,000 people, produces more selfies per capita than any other city in the world.”
Ginanap sa dalawang magkaibang petsa ang pag-aaral ng TIME. Ang una ay noong ika-28 ng Enero hanggang ika-2 ng Pebrero at ang ikalawa naman noong ika-3 hanggang ika-7 ng Marso ngayong taon.