isinulat ni Eugene Abillar
larawan ni Michael Verr Sprill sa Flickr
Nalaspag at naluma na ang kanyang kama
Sa tamis at tagal ng kanilang pagsasama
Gawin ba naman itong bahay-bahayan
Ng mga bubwit, mga naglalandiang ipis
At mga surot na makulit
Ang kamang iyon ang naging kayakap niya at kaniig
Sa loob ng kanyang masikip na silid
Sa gabing madilim, sa gabing malamig
Iyon ang saksi sa kanyang pangangarap at pagtangis
Sa bawat pagkabalisa
Sa mahahabang gabing ang mundo ay tulog na
Siya nama'y naroroon, nangangarap ng mag-isa
Ang kamang iyon ang pumapawi
Sa kanyang pagod, sa kanyang antok
At kaytagal din nitong nagtiis
Sa pawis niyang malagkit at mutang naninikit
Maraming beses na niyang sinipa ito
Tuwing umiinit ang kanyang ulo
Nilulundagan niya naman
Kapag gusto niyang balik-balikan
Ang kanyang kamusmusan
Na hindi na maibabalik pa kailanman
Ngayon, ang kama niya'y bulok na
At tila wala nang pag-asa
Pero sa kanilang paghihiwalay
Ay batid niya na dadalhin ng kanyang kama
Hanggang sa tambakan ng basura
Ang mumunting alikabok
Ng kanilang ala-ala
Sa tamis at tagal ng kanilang pagsasama
Gawin ba naman itong bahay-bahayan
Ng mga bubwit, mga naglalandiang ipis
At mga surot na makulit
Ang kamang iyon ang naging kayakap niya at kaniig
Sa loob ng kanyang masikip na silid
Sa gabing madilim, sa gabing malamig
Iyon ang saksi sa kanyang pangangarap at pagtangis
Sa bawat pagkabalisa
Sa mahahabang gabing ang mundo ay tulog na
Siya nama'y naroroon, nangangarap ng mag-isa
Ang kamang iyon ang pumapawi
Sa kanyang pagod, sa kanyang antok
At kaytagal din nitong nagtiis
Sa pawis niyang malagkit at mutang naninikit
Maraming beses na niyang sinipa ito
Tuwing umiinit ang kanyang ulo
Nilulundagan niya naman
Kapag gusto niyang balik-balikan
Ang kanyang kamusmusan
Na hindi na maibabalik pa kailanman
Ngayon, ang kama niya'y bulok na
At tila wala nang pag-asa
Pero sa kanilang paghihiwalay
Ay batid niya na dadalhin ng kanyang kama
Hanggang sa tambakan ng basura
Ang mumunting alikabok
Ng kanilang ala-ala