isinulat nina Kim Naparan at Arizha Bumatay
Isa ka bang book lover? At mahilig ka rin ba sa libre? Puwes, tiyak na ikatutuwa mo ang balita na ito.
Ginanap noong ika-23 hanggang ika-25 ng Oktubre sa Raffles Hotel, sa lungsod ng Makati ang kauna-unahang Philippine Literary Festival (PLF) bilang bahagi ng pagpapa-unlad ng kulturang mamababasa sa bansa at upang itaguyod ang panitikang Filipino.
Pinangunahan ng National Book Store, kasama ang ABS-CBN Publishing Inc., Anvil Publishing, Precious Pages, Summit Media, Visprint Inc. at ang publishing house ng mga unibersidad ng Ateneo de Manila University (ADMU), University of the Philippines (UP), at University of Santo Tomas (UST), ang PLF na tatlong araw na kumperensiya ay dinaluhan ng mga manunulat, kwentista, komikero, at mga kilalang personalidad sa media at panitikan.
Puno ang kumperensiya ng mga aktibidad tulad ng book signing, mga panel na tumalakay tungkol sa mga makabagong ideolohiya ng mga mumulat sa panitikang Filipino at pati sa pagbuwag ng mga maling pagtuturo at pagkakahon ng literatura sa bansa.
Tampok din sa PLF ang mga bestselling at award-winning na mga manunulat na Filipino sa iba’t ibang kategorya. Naanyayahan maging ang mga manunulat na sina Amy Tan at Chang-Rae Lee sa ikatlong araw ng kumperensiya na galing pa ng Estado Unidos.
Sa unang araw ng kumperensiya ginanap ang mga diskusiyon tulad ng “Poetry Jamming” ni Louella Fortez ng ADMU Press; “Speculative Fiction: Why Libraries Must Have Them” na tinalakay ni Francis Alfar ng Anvil Publishing; “Buqo: Publishing in the New Millennium” ni Chad Rosario; “Publishing the Envelope: Trends in New Philippine Writing” ni J. Neal Garcia ng UP Press; “Teaching Philippine Novels” ni Lina Rivera ng Anvil Publishing; “The Science of Magazine Covers” ni Jaykee Evangelista ng Summit Media, “Writing Non-Fiction Today” nina RJ Ledesma, Chay Hofileña, Pam Pastor, at Arnel Patawaran; at “Summit Books: Writing Romance” ni Mina Esguerra ng Summit Media.
Tampok din ang launching ng UST Publishing House para sa mga aklat na: “Hidden Codex: Fictive Scriptures” ni Marte Abueg; “Loose Tongue” ni Carlomar Daoana; “For Love and Kisses” ni Andrea Pasion-Flores; “We Who Cannot Be Daughters” ni Clarissa Militante; “The Coconut Republic” ni Manuel Montealegre; at “Cuaresma: Isang Dulang Ganap ang Haba” ni Anril Tiatco.
Naging highlight din ng unang araw ang pagdalo ni Boy Abuda para sa launching ng aklat niyang “Make Your Nanay Proud” ng ABS-CBN Publishing; “Komikero Signing and Exhibit” ng mga tanyag na artists at illustrators gaya nila Freely Abrigo, Paolo Fabregas, Tepai Pascual, Paolo Chikiamco, Koi Carreon, Jules Gregorio, Christina Rose Chua, Alan Navarra, Carljoe Javier, at Elbert Or; at ng “Ang Labintatlong Pasaway”: book launch nila Mayette Bayuga, Luna Sicat-Cleto, at Eros Atalia na pinamagitan ni Jun Cruz Reyes.
Sinundan ng “14” Silent Comics: book launch ni Manix Abrera ang Komikero Signing and Exhibit na tumagal ng limang oras. Pagkatapos nito ang “Emerging Writers Primer: Author as a Businessperson” na pinamagitan ni Siege Malvar.
Tinalakay sa diskusiyon ng mga pausbong na mga manunulat ang kanilang mga saloobin at mga karanasan bilang mga manunualt sa Filipinas at pati sa kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos.
Hindi rin nagpahuli ang diskusiyon nila Eros Atalia, Joselito Delos Reyes, Ferdinand Jarin, at Beverly Siy na pinuno ang buong silid na katatawanan at impormasiyon ukol sa “Reading and Writing for Filipinos, by Filipinos.”

ANG PAG-USBONG NG 'SILENT COMICS' SA BANSA
Katahimikan.
Muling naglunsad ng silent comics ang tinaguriang “Komiks Rock Star” na si Manix Abrera na pinamagatang “14”.
Ito ang ikalawang likha niya na kung saan walang nagaganap na pagpapalitan ng salita o dayalogo ang mga karakter sa komiks.
Naisipan ng ilustrador na gumawa muli ng ganito dahil “kating-kati” na raw itong gumawa muli matapos ang tagumpay ng una niyang silent comics na “12”.
Ito rin ay nagsisilbing hamon niya para sa kanyang sarili na gamit lang ang mga ginuhit niya at kawalan ng mga salita, maiintindihan pa rin ng kanyang mga mambabasa ang gusto nitong iparating.
Nang tanungin si Abrera kung paano ito irerekomenda, maaari na sabihing “tignan” ang aklat sa halip na “basahin” dahil sa kawalan ng mga diyalogo.
“Ito, tignan mo,” sabi niya na may halong pagpapatawa.
Nais rin ni Abrera na ang mga mambabasa ang siyang maglalagay ng mga diyalogo ayon sa pagkakaintindi nila sa bawat senaryo.
Ibinahagi niya rin ang isa sa mga kwento sa komiks na hango sa kwento ng pinagtuluyan niya noong siya ay kasalukuyang gumagawa ng kanyang tesis.
Naging inspirasyon niya ang mga kuwento ng kanyang lola, pati na ang mga karanasan niya habang siya ay bata pa lamang.
Ang librong “14” ay koleksyon ng maiikling kwento patungkol sa mga kababalaghan, kawirduhan, katatawanan, at kung anu-ano pa.
Naniniwala si Abrera na bagaman ang mga salita ay katuwang ng komiks para sa pagkukwento, para sa kanya kahit larawan lamang ay sapat na sa pagbibigay ng mensahe o kuwento.

PAGKITIL SA REHIYONG PANITIKAN O REGIONAL LITERATURE
Hindi napigilan nina Siy, Reyes, Jardin, at Atalia ang pagsama ng kanilang damdamin tungkol sa pagkakahon ng panitikang Filipino lalo nasa usapin ng rehiyong panitikan o regional litetarure.
Ayon kina Siy, ang maling perspektibo ng mga Filipino tungkol sa sariling panitikan ay malaking suliranin na dapat iwasto ng mga guro at mga manunulat. Bunga ito ng hindi tamang pag-unawa sa salitang “rehiyon” na maaaring makapangit sa imahen na mga Pilipinong taga-probinisya o lalawigan.
“Nag-iiba `yung pananaw natin kapag sinabi natin na ‘rehiyon’, parang mas mababa kung ikukumpara sa siyudad, dahil ba ang siyudad o ang Maynila ang sentro? Hindi ba mali iyon? Kung sumusulat ka sa Bicolano o Cebuano, Filipino iyon. Maituturing na Filipino pa rin iyon. Hindi dahil iba ang wikang ginamit dapat rehiyong panitikan agad,” ani Siy.
Dagdag pa nila Siy na hindi sila naniniwa sa ideolohiya nito. Dapat nang tapusin o kitilin ang mga maling pagtuturo sa wika at panitikang Filipino dahil ito ay nagdudulot ng mga mali at hindi kaaya-ayang impresyon sa mga Filipino lalung-lalo na sa mga mag-aaral.
“Sa elementarya o high school ganito ang tinuturo ni titser, lumaki yung estudyante na ganito ang pinaniniwalaan niya. Pagdating niya sa kolehiyo, iba naman ang ituturo ni titser, kung gayun, mahirap nang baguhin ang alam ng estudyante dahil bata pa lang hindi na naturuan ng tama o maayos, “ani Atalia.
Binigyang linaw din nila Atalia na ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga akda ay sumasalamin sa kung sino at anong klaseng mambabasang Filipino ang kanilang kinaka-usap.
Sumalungat din sila sa paratang ng ilan na kaunti lamang ang mga manunulat na Filipino o ang mga nagsusulat sa wikang Filipino.
“Hindi po tototo `yun. Marami po kami, baka hindi niyo lang po kilala, pero marami po kami,” ani Siy.
Natalakay din ang mainit na usapin tungkol sa pagkakawatak-watak ng mga Filipino dahil sa pagkaka-iba ng mga wikang sinasalita ngunit giit ng mga manunulat, hindi solusyon ang pagbabangayan.
Diin nila na dapat tanggapin at kilalanin ang kultural na pagkaka-iba ng mga Filipino at aralin ang mayamang kasaysayan ng bansa dahil dito nakasaad ang malalim na pinag-ugatan ng salitang “Filipino.”
“Bakit Filipino ang gamit ko? Kasi sino ba ang kausap ko? Hindi ko kailangan pahirapan ang sarili ko sa pag-i-Ingles,” sabi ni Delos Reyes.
“Filipino kasi dito ako mahusay. Ito ang wikang aking kinagisnan. Ito ang wika na alam kong mas [mabisang] maipararating ko sa aking mga mambabasa ang mensahe ng aking kuwento,” dagdag ni Jardin.