isinulat ni Sarah Villano
Malolos, Bulacan—Alas sais ng gabi noong ika-22 ng Oktubre nagsimula ang ika-87 Turnover and Induction Ceremonies ng Bulacan Medical Society (BMS). Kung saan naging guest speaker si Dra. Minerva Calimag.
Nang nakaupo na ang lahat ng naroon, isa-isang pinakilala ang mga nakaraang mga pangulo ng BMS na nakapunta, ang mga bagong inihalal: ang presidente na si Dr. Frederick Villano, bise presidente na si Dra. Elisa Villanueva, kalihim na si Dra. Joanne Escuadro, ingat-yaman na si Dra. Amy Mendoza, at PRO na si Dr. Raymund Carlos. Sila ay inihalal sa pamamagitan ng isang eleksyon na eksklusibo sa mga miyembro ng BMS.
Pagkatapos ay naghandog ang BMS kay Dra. Calimag ng isang makata na tula, kasabay nito ay binigyan siya ng kwintas at putong parehong gawa sa bulaklak bago siya nagbigay ng speech noong gabing yaon.
Ayon kay Dra. Calimag, presidente ng Philippine Medical Association (PMA), “hati ang desisyon ng senado at ng PMA” sa kagustuhang mag-cultivate ng medical marijuana dito sa Pilipinas, sa kadahilanang “ayaw natin marinig na imbis na nasa study group ang ating mga anak ay nasa pot session pala.”
Ibinahagi rin niya na gagawin ng PMA ang lahat para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng kinatatakutan na Ebola virus. Diniin niya sa kaniyang talumpati na ang bawat kasapi ay mahalaga, hindi lamang ang mga nasa matataas na posisiyon, sapagkat sama-sama sila upang makamit ang mga hangarin ng kanilang grupo.
Kamakailan lamang may mga nahawa at namatay na mula sa ilang lugar sa Estados Unidos at sa Espanya. Ang Ebola virus ay nagsimula sa ilang bansa sa West Africa, kung saan mabilis na kumalat ang sakit. Nagpadala na ng mga manggagamot doon mula sa Doctors Without Borders at World Health Organization (WHO) para malunasan ang lumalalang sakit na ito at maiwasan ang epidemyang banta nito.