isinulat ni Kim Naparan
Bago pa man magsimula ang kanyang pakikibaka,
Kapansin-pansin ang takot na nababakas sa kanyang mukha
Nanginginig sa takot ang kanyang katawan,
Mga paa’t kamay, tila hindi magkamayaw sa pagkabasa
Ng pawis na bumabalot din sa kanyang mukha
Lumunok siya
Napabugtong-hininga
Hinawakan niyang maiigi ang espada,
Gulok, kalasag na kanyang panangga
Batid niya na ang mga susunod na pangyayari
Magaganap na ang pinakahihintay na tunggali
Sa pagitan niya at ni Hunghang na hari
Tumatakbo ang kanyang kalaban papalapit sa kanya
Hindi niya lubod maisip kung bakit ganoon na lamang ang kaba na kanyang nadarama
Kilala ba niya ang kanyang katunggali?
Hindi
Kilala ba siya nang kumakaaway sa kanya?
Bahagya
Siya si Lam-ang
Ang pinakamatapang na mandirigma sa balat ng lupa
Biniyayaan siya ni Bathala ng angking lakas at liksi,
Upang labanan lahat ng kanyang mga katunggali
Likas man ang kanyang katapangan, katalinuhan at pati katatagan,
Alintana pa rin ni Lam-Ang sa kanyang sarili na may itinatagong siyang lihim,
Lihim na matagal niya nang isiwalat sa lahat
Siya ay isang Diyosa
Diyosa ng Digmaan
Diyosa ng Karunungan
Diyosang may busilak na kalooban
Nais man niyang magbago ang pagtingin ng mga tao sa kanya,
Wala na siyang magagawa pa
Bumalik ang kanyang pandama sa kasalukuyan
Nakita niya muli ang kaaway na papalapit sa kanya
Nang isang dipa na lamang ang distansya,
Ihinubad ni Lam-Ang ang kanyang baluti’t kalasag,
Ibinababa ang espada’t gulok;
At itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa ulo.
“Susuko na ako”, kanyang sambit.
Napatigil ang kaaway, napangisi
“Hindi mo na ako maloloka pa, Lam-Ang!”, sigaw ni Haring Hunghang
“Suko na ako! Ayaw ko na ng gulo. Tigilin na natin ito!”, pakiusap ni Lam-Ang.
Napahalakhak si Hunghang
Katahimikan
“Sa isang kondisyon,” wika ni Hunghang
“Magsisilbi kang alipin sa akin at kailanma’y hindi ka na makababalik sa iyong kaharian.”
Katahimikan
Lumapit si Lam-Ang kay Hunghang
“Kung iyon lang pala ang nais mo, bakit hindi mo na lang hiningi ang kamay ko?” tanong niya
Katahimikan
Nanlamig si Hunghang,
Wala ng bahag si Lam-Ang.