isinulat ni Kim Naparan
Tagaktak ang pawis ni Angelo. Kabado siya.
Kahit ilang punas niya, tumutulo pa rin ang pawis mula sa ulo papunta sa mukha niya. Basang-basa rin ang likod at balikat niya. Mabuti na lang at may dala siyang bimpo at ekstrang damit.
May problema siya – ang sapatos niya. `Yun lang kasi `yung isang pares niya ng sapatos na mataas ang takong. May kaliitan si Angelo kaya malaking tulong sa kanya ang mga sapatos na may matataas na takong. Lalaki pa naman siya.
Pambihira, kung kailan niya pinakakailangan, saka pa nasira! Abala tuloy siya sa pagkukumpuni nito. Pero buti na nga lang `yung kanan lang. Mas malaki ang problema niya kapag parehong sapatos ang nasira.
Bahagyang natanggal `yung kanang takong pero sa tulong ng Mighty bond, maaayos niya rin ito. Sabi nga sa komersyal, kahit anong sira, kayang-kayang ayusin ng Mighty bond.
Nasa isang maliit na kwarto si Angelo ng mga oras na iyon. Hindi rin niya alintana ang init ng kwarto. Ang tanging nasa isip niya: maayos na sana ang sapatos niya. Medyo madilim din ang silid. Wari niya, malapit nang mapundi ang ilaw.
Pati `yung bentilador sira. Matagal niya nang inireklamo `yun, kaso hanggang ngayon hindi pa inaayos. Bakit hindi na lang siya mismo ang bumili ng bago? HINDI PWEDE.
Bakit? Wala siyang badyet. Nagtitipid. Ni pambayad niya sa renta sa inuupahang apartment noong nakaraang buwan ay `di pa niya nababayaran.
Tsk, `di bale. Susweldo na siya ngayong buwan, mareresolba kahit papano ang mga problema niya. Pwede rin siya umutang na lang sa kumpare niyang si Marlon. Mabait naman iyon.
Sa wakas! Okay na ang sapatos niya. Sinugurado niya na matibay ang pagkakadikit niya. Sinubok niyang ilakad ang sapatos...ayan! Okay na nga talaga. Ang galing ng Mighty bond.
Ibang klase talaga ang tulong ng mga sapatos na may mataas na takong, kitang-kita ni Angelo ang pagbabago sa height niya.
May kumatok.
Sumilip ang isang babaeng may makapal na make-up. “Ikaw na susunod ah. Mag-ready ka na.” Sinara niya agad ang pinto.
Naalarma si Angelo. Pagtingin niya sa orasan, 10 minuto na lang at alas-onse na ng gabi.
Dali-dali, nagpunas siya muli ng mukha’t katawan. Gamit na gamit talaga ang bimpo niya.
Nilabas niya ang ekstrang damit. Nagpalit. Makinang at kulay asul, pormal na pormal, parang aattend siya ng magarbong party.
Nag-ayos ng buhok at nag-hair spray.Kahit humataw siya sa entablado, hindi magugulo ang buhok niya.
Nagsuot ng mga abubot (hikaw, pulseras, kwintas). Binili lang niya lahat `yun sa bangketa.
Nagpabango. Amoy strawberries.
Nag-make up. Nag-touch up.
Tinignan niya ulit ang sarili niya sa salamin. Ready na siya.
Lumabas siya sa kwarto. Derecho papuntang entablado.
Sa likod ng mga kurtina, napabuntong-hininga.
Hep. Hindi ito ang oras para mag-emote.
Ilang sandali, ngumiti na siya.
Hindi magkamayaw na palakpak ang naghihintay para sa kanya.
Excited ang mga tao sa kanya. Ito ang gabing pinaka-hihintay nila.
Sa gabing `to, siya si Marian Rivera.
Bukas ng umaga, siya ulit si Angelo.