isinulat nila Arizha Bumatay, Chloe Pidong, at Kim Naparan
Isang taon matapos ang Million People March noong nakaraang taon, ang ilang mga grupo at partido ay nagbigay ng mga kaniya-kaniyang opinyon hinggil sa pork barrel (PDAF o Priority Development Assistance Fund at DAP o Disbursement Acceleration Program) na ipinatupad ng Pangulong Aquino.
Ang Sign Up, Stand Up: Abolish Pork Barrel! noong nakaraang Lunes, ika-25 ng Agosto, 2014 na ginanap sa Luneta Grandstand ay ang pagtatakda ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Million People March na ginanap naman noong ika-26 ng Agosto 2013.
Ang Million People March na dinaluhan ng daan-daang libong mga mamamayan na nagprotesta laban sa kontrobersiyal na pork barrel scam ay nagpakita ng matinding galit laban sa kasalukuyang administrasyon at suklam sa maluhong pamumuhay sa Estado Unidos ng anak ng sangkot na si Janet Lim-Napoles. Ito ay bilang pagprotesta at pagtuligsa sa maanomalyang Pork Barrel at ang mga kasangkot dito.
Ating siyasatin ang bawat opinyon ng mga partidong lumahok sa Sign Up, Stand Up: Abolish Pork Barrel! Aminado ang ilang mga Pilipino na bagama’t hindi nila tuluyang nauunawaan ang PDAF/DAP, sila ay kusang nakisali sa rally.
Ano ang DAP?
Ano nga ba ang Disbursement Aceeleration Program (DAP) para sa mga nagprotesta laban sa Pok Barrel? Sa Tinig ng Kabataang Makabayan, ang opisyal na pahayagan ng AnakBayan, nabanggit na ang DAP ay isang dambuhalang pork barrel na palihim na ipinatupad ni Pangulong Aquino kasabwat ang Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad na nagsimula pa noong 2011 sa pamamagitan ng pag-ipit at pagsentralisa ng pondo mula sa iba’t ibang ahensiya para mapasailalim sa control ng pangulo.
Kasama ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) at mahigit isang trilyong pisong lump-sum na nasa direktang kontrol ni Aquino, ang DAP umano ay ginamit upang ipanuhol sa mga pulitiko, paboran ang mga kurakot na proyekto ng mga kaalyado nito, at ibulsa ang pondo ng taumbayan.
Ayon sa AnakBayan, nailantad ang DAP matapos ang malaking protestang bayan laban sa pork barrel at kurapsyon. Inihayag ng mga senador na nagigipit sa isyu ng PDAF na nakatanggap sila ng mahigit P50 milyong dagdag na pondo mula sa Palasyo para i-impeach si dating Chief Justice Renato Corona na kalauna’y tinawag ng DBM na DAP.
Kontra-mamamayang Badyet
Ang DAP, ayong sa gobyerno, ay para sa serbisyo at pag-unlad ng bayan. Subalit pagkakait sa karapatan, panlilinlang, at panunupil ang nilalaman ng badyet para sa mga Pilipino.
Binigyang-diin ng Tinig ng Kabataang Makabayan na malinaw na hindi napagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang edukasyon at kalusugan ng mga mamamayan.
Ayon sa AnakBayan, “Kapos na kapos ang pondo para sa mga paaralan at ospital. Ang pondo para sa Department of Education (DepEd) na nasa P364 milyon ay kapos para punan ang mga kakulangan at nananatiling malayo sa rekomendasyon na 6% ng Gross Domestic Product (GDP) o nasa P700 bilyon.”
“Ang pondo para sa kalusugan na nasa P102.1 bilyon ay napakaliit din para sa mga pangangailangan ng mga ospital at malayo sa rekomendasyon na 5% ng GDP o nasa lagpas P500 bilyon,” dagdag ng partido.
Kapansin-pansing bumaba sa ika-anim na prayoridad ang Department of Health (DoH) sa mga kagawaran upang bigyang-pabor ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tumaas sa P109 bilyon ang pondo ng DSWD mula sa dating P83.4 bilyon lamang.
Paalala: Ang mga sumunod na talata ay opisyal na pahayag ng mga partidong kasama sa protesta noong Lunes. Kabilang dito ang Kabataan Partylist, Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), at Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA).

Sa datos na ipineresenta at ibinigay ng mga nasabing partido. 11.8 milyon ang walang trabaho; 5,000 na OFWs ang umaalis sa bansa kada araw; doble ang mortality rate kumpara sa mayaman; 26 na unibersidad ang kinaltasan ng pondo; 15 milyong kabataan; 36pesos per unit ang average na increase ng matrikula sa buong bansa; 2,133 na dinemolish na bahay; 192 biktima ng extra-judicial killings; at 427 milyong DAP ay para sa lupain lamang ng pamilya ni Noynoy.
Walang pinag-iba si Noynoy Aquino sa mga nagdaang pangulo sa pagtutulak nito ng charter change. Magpapahaba ito ng kanyang panunungkulan at magpapapasok ng probisyong pabor sa interes ng iilan. Gaya ng kapwa haciendero, malalaking negosyante at dayuhan. Kailangan niya ang suporta ng mga ito upang makapanatili sa poder.
Marcos at Noynoy, Walang Pinag-Iba
Sa kabila ng pagiging kilalang anti-marcos ng mga Aquino ay manang-mana naman si Noynoy sa pagkadiktador ni Marcos sa pagkakasangkot niya sa katiwalian, kinukwestiyon at binabalaan pa nito ang Korte Suprema sa desisyon nito na para bang hawak nito ang nasabing Korte. Sinisisi pa nito ang kakulangan ng konstitusyon imbis na aminin ang paglabag niya sa batas at panagutan ito.
Gayang-gaya din ni Noynoy ang mga estilo ni Marcos. Alam ni Aquino ng hangga’t pangulo siya ay matatakasan niya ang pananagot sa panghoholDAP. Upang takasan ang pananagutan at ipakitang may tiwala pa rin ang mamamayansa administrasyon ay nagpakalat ito ng kasingungalingan nasi ng kanyang mga “boss” na tumagal ang kanyang termino. Pero sa katunayan, higit na may batayan pa nga na paalisin siya sa puwesto.
Taliwas sa ipinagmamayabang ni Aquino noong State of the Nation Address, lalong lugmok sa kahirapan, kagutuman at kawalan ng hustisyang panlipunan ang taumbayan. HInihila pababa ng mga polisiya ng rehimeng Aquino ang hangad ng kabataan at mamamayan na disenteng kinabukasan. Palagian ang sadyang pagsirit ng presyo ng mga bilihin at matrikula sa mga unibersidad. Napakababa at papaliit pa ang tunay na halaga ng sahod. Dumarami ang biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Sistematiko ang pang-aagaw ng lupa sa mga magsasaka. Sa gitna ng lahat ng ito, nangungurakot at nagpapapayaman naman ang Pangulo kasama ang kanyang mga kroni at kasosyo.
Para bigyang daan ang pagpapanatili sa puwesto, itinulak niya ngayon ang Cha-Cha sa Kongresong kontraladong-kontralado na niya. Bubuksan rin nito ang lupa at mga iba pang rekurso ng bansa sa 100& na pag-aari ng mga dayuhan. Babawasan din ang kapangyarihan ng Korte Suprema na tumutol sa mga desisyon ng Pangulo. Pinanukala ito ng palasyo matapos banggain ng administrasyon ang Korte Suprema ukol sa pagdedeklara nito na iligal ang 170B Disbursement Acceleration Program (DAP) na bahagi lamang ng mas malaking Presidential Pork Barrel.
Sa pamamagitan ng cha-cha, matagal na makakapaghari si Aquino, hindi siya mapapanagot sa kasong panghoholDAP, lalong lalawak ang kontrol ng administrasyon sa buong pamahalaan at laong ibebenta sa dayuhan ang Pilipinas.
Term Extension ng Holdaper
Hindi na kayang pagtakpan ng pagpapabango ang mga baho ni aquino. Mula sa pahirap sa masang polisya at programa, hanggang sa pangungurakot sa kaban ng bayan, hanggang sa dikturang nais pang pahabain. Kung kaya’t lumalaki at lumalalim ang disgusto ng mg mamamaya sa rehimeng ito. Walang karapatan si noynoy na magtagal sa poder, lalo pa’t lampas pa sa 2016. Ang tanging termino na maaaring mapadagdagan ay ang termino ni Aquino sa kulungan para panagutan ang panghoholDAP at iba pang kasalanan sa mamamayan.
Ang mga nabanggit sa loob ng dalawang guhit ay mula sa opisyal na pahayag ng mga partidong kasama sa rally, hindi ito nagpapahayag ng opinyon ng mga taong nagpapatakbo ng The Oriflamme.