isinulat ni Arizha Bumatay
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Buwan ng Wika gayundin ang paggunita sa kaarawan ng dating Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Filipino” at tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, na ipinagdiwang ng lungsod ng Quezon at ng buong bansa, kamakailan lamang. Bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ating balikan ang simulain ng ating Wikang Pambansa, Buwan ng Wika at ang mga pagbabago sa ating wika.
Sa termino ni dating Pangulong Quezon, itinatag niya ang Surian ng Wikang Pambansa na may layuning lumikha ng isang pangkalahatang wika para sa mga Pilipino. Batay sa masusing pag-aaral ng mga opisyal ng Surian ng Wikang Pambansa, inirekomenda nila na Tagalog ang maging wikang pambansa. Noong ika-30 ng Disyembre taong 1937, idineklara ni Quezon na ang Tagalog ang magiging wikang pambansa ng Pilipinas. Makalipas ang tatlong taon, iniutos niyang ituro ito sa mga asignatura ng bawat paaralan. Idineklara naman ng Pangulong Ramon Magsaysay na sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto ang selebrasyon ng linggo ng wika, taong 1955. Subalit, ito’y binago ni Pangulong Fidel Ramos, noong 1997, na kung saan sa buong buwan ng Agosto natin gugunitain ang ating wikang pambansa at idineklara itong Buwan ng Wika.
Sa paglipas ng panahon, maraming wika ang nagsisilutangan at lumalaganap, lalo na sa mga kabataan. Narito ang “jejemon”, “bekimon”, at kung anu-ano pang “-mon”. Ang mga pagbabagong ito ay malugod namang niyakap ng ating wika sapagkat nakikitaan ito ng mga dalubhasa sa larangan ng linggwistika ng isang magandang pangitain dahil nakatutulong ito sa pag-unlad ng wika. Isa rin itong patunay na ang ating wika ay umaayon o sumasabay din sa bawat henerasyon.
Ngunit, marami ding hindi nasisiyahan sa mga malikhaing imbensyon ng mga kabataan sa wika sapagkat ito raw ay nakasisira sa natural na kaanyuan ng wika at kinikitil nito ang utak ng kabataan sa tamang paggamit ng ating wika. Ito rin ang nakikitang dahilan sa kawalan ng kaalaman ng kabataan sa mga termino na ginagamit sa wika at kawalan ng kahusayan sa paggamit nito. Datapwat, mas mabuti na lamang gamitin ang ating wikang pambansa upang magkaroon ng kahusayan ang bawat mamayan tungkol rito. Makatutulong din ito upang mapaunlad ang ating bansa sapagkat sa mga bansang tanyag at mayayaman ang wika at kultura nila ay buhay na buhay at maunlad katulad ng kanilang bansang sinasakupan.
Kung hihinuhain ang mga pagsulpot ng mga bagong wikang ito, makikita na may iisa itong layunin na kung saan katulad din ng layunin ng pagkakaroon ng wikang pambansa, ngunit ang nasasakupan lamang nito ay sa iisang pangkat kumpara sa wikang pambansa na pangkalahatan.
Ang mga wikang ito ay nabuo upang magkaintindihan ang isang pangkat na gusto nilang ihayag ang kanilang saloobin sa kanilang pamamaraan. Katulad na lamang ng bekimon na para lamang sa mga bading ngunit niyayakap na din ito ng mga taong nasisiyahan sa mga terminong ginagamit sa wikang ito. Samantala, ang wikang pambansa na Filipino ay ginagamit ng bawat mamayan ng Pilipinas saang rehiyon ka man nanggaling upang magkaintindihan sapagkat sa bawat rehiyon ng Pilipinas, mayroong sariling wika o diyalektong ginagamit.
Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang paraan upang mapagbuklod ang bawat mamamayan ng isang pangkat o ng isang bansa. Mas mabuti nga ring gamitin ang ating sariling wika kaysa naman na maikumpara sa malansang isda ayon sa isang salawikain na nagmula pa sa ating pambansang bayani.