isinulat ni Kim Naparan
Natural sa bata ang pagiging malikot. Kung hindi ka malikot nung bata ka, malamang abnormal ka.
Bata pa lang tayo, likas na sa atin ang pagiging mausisa sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Hindi tayo mapirme sa isang pwesto o kinalalagyan. Gusto nating laging naglalakad, paikut-ikot, at walang sawang nagtatanong sa ating mga magulang o nakatatanda tungkol sa kung anong “bago” ang natutuklasan at natutunghayan natin.
Ngunit, sa pagkaka-alala ko, hindi laging ganinto ang senaryo nung bata pa tayo. Hindi laging masaya o mala-Dora the Explorer ang peg natin. Madalas tayong kagalitan, pagsabihan at paluin ng mga magulang natin. Dahil lamang sa isang simpleng pagkakamali, naging bestfriend siguro ang ilan sa atin ang dos por dos, sinuturon ni tatay, at de kalyong kamay ni nanay (`yun ay kung buhay pa pareho ang mga magulang natin).
Masalimuot man pakinggan pero sa ayaw man o sa gusto natin, lahat o karamihan sa atin ay nakadanas ng ganito: pagpalo bilang pagdidisiplina sa bata.
“Corporal punishment” ang tawag nito sa Ingles. Para naman sa mga Filipino paraan lang daw ito nang pagpapakita kung gaano tayo kamahal ng mga magulang natin.
Kung ako ang tatanungin niyo, ang corporal punishment ang naging highlight ng buhay ko. Sa pamamagitan nito, nahubog ang pagkatao ko, nahinog nang wala pa sa bunga ang kamalayan ko, napagtanto kong ang salitang “perpekto” pala ang dapat maging layunin ko, naging bato ang mukha ko (poker face), at naramdaman kong alanganin ang salitang “anak” para sa akin.
Ngunit, may magandang balita akong nalaman. Kamakailan lang, gagawing salang kriminal na ang “Corporal Punishment” sa bata. Sana napaaga ng mga mambabatas ang pagsasabatas nito. Kung may ganitong batas noon pa, malamang maraming bata ang nailigtas sa mga kagimbal-gimbal na pagpaparusa ng mga magulang nila.
Sigurado akong nominado ang mga magulang ko para sa Best Parents of the Year. Sa lakas ba naman nilang makapalo sa akin, sa bawat hampas nila ay ramdam na ramdam ko talaga na mahal na mahal nila ako. At sa bawat luhang tutulo mula sa aking mga mata, damang-dama ko nga ang pagmamahal nilang ito.
Malaki at mahabang pagdedebate ang nakapaligid sa isyung ito. Hindi lamang nananatili sa apat na sulok ng Senado’t Kamara ang isyu tungkol sa corporal punishment dahil laging may kanya-kanyang opinyon at saloobin ang mga magulang hinggil dito.
Pero ano nga ba ang mga parusang ipinapataw ng mga magulang ang nais gawing krimen ng mga nagpanukala na tanggalin na ang corporal punishment bilang paraan nang pagdidisiplina sa mga anak nila? Paano makasisiguro ang mga magulang na tunay ngang magiging positibo ang resulta ng mga anak nila kung walang corporal punishment?
Maraming mga katanungan. Mahaba ang mga diskusyon. Sensitibo ang paksa. Gayunpaman, hindi maikakaila na mga bata ang biktima sa isyung ito: kung paano sila palalakihin ng mga magulang nila at kung dapat nga bang ibaon na sa limot ang paraang corporal punishment.
Ayon sa United Nations Committee on the Rights of the Child, ang corporal punishment ay pagpaparusang gumagamit ng pisikal na puwersa at naglalayong makapanakit, gaano man ito kahina.
Ipinakikita ng mga pag-aaral at survey na karaniwang gumagamit ng corporal punishment ang mga magulang dito sa ating bansa upang disiplinahin at parusahan ang kanilang mga anak. Kabilang dito ang pamamalo gamit ang kamay o ibang bagay, pamimingot, pananabunot, pananampal o pambabatok, pagsisilid sa sako, at/o pag-aalog sa bata.
Nakararanas din ang mga batang Filipino ng banta ng pananakit at panghihiya tulad ng kung sila ay sinisigawan sa harap ng ibang tao, binabansagan o kinukutya, at minamaliit.
Ayon din sa nabanggit na UN Committee, maituturing ding corporal punishment ang iba pang uri ng parusa na hindi man gumagamit ng pisikal na puwersa o tuwirang nakakapanakit sa katawan ay kasing-lupit din nito at nakababawas din sa dignidad. Kabilang dito ang mga “parusang nagdudulot ng pagkapahiya, panliliit, pagkawala ng dignidad, o mga parusang nagbabanta, nananakot o nang-iinsulto sa bata.”
Ipinakikita rin ng resulta ng mga pananaliksik na hindi mabisang paraan ng pagdidisiplina sa mga bata ang corporal punishment, maging anuman ang edad nila. Kadalasan itong nagdudulot sa mga bata ng galit, sama ng loob, at kawalan ng tiwala sa sarili.
Itinuturo rin nito sa bata na katanggap-tanggap ang paggamit ng dahas at ito ay nakapagbibigay-solusyon sa mga suliranin. Samakatwid, lumalaganap ang corporal punishment dahil sa paggaya ng mga bata sa nakikita nilang ginagawa ng mga matatanda.
Bagamat inaamin ng mga magulang na nagsisisi o nakukonsensya sila sa pagpaparusa nila sa kanilang anak, ito lamang diumano ang tangi nilang alam na paraan ng pagdidisiplinasa mga bata sapagkat ito ang kanilang natutunan mula sa sarili nilang mga magulang at mga lolo’t lola.
Ayon din sa mga magulang, kailangan nila ng mga alternatibong paraan nang pagdidisiplina sa mga bata na positibo at hindi gumagamit ng dahas o kalupitan.
Sa ilalim ng House Bill 4455 o ang “Positive and Nonviolent Discipline of Children Act” at ng Senate Bill 873 o ang “Anti-Corporal Punishment Act of 2010”, ituturing na krimen ang mga sumusunod na corporal punishment: a) pamamalo, paninipa, paghampas, pananampal, panininturon, paghahataw ng mga bagay na nakasasakit gaya ng walis, pamalo, sinturon, stick, at iba pang kagaya ng mga ito; b) pagsampal sa bata o pananakit sa mukha o ulo; c) paghila sa buhok, pananabunot, pagkalbo, paggupit sa buhok, pagpingot, pagkaladkad, pagtulak, pagsugat, paghagis, pag-alog; d) pamimilit sa bata na gumawa ng mga mabibigat na gawain gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay; pagluhod sa bato, asin, munggo; pagpilit na saktan ang sarili; e) pagpapabaya sa pisikal na pangangailangan ng bata; f) pagpapa-squat, pagpapatayo o anumang kahalintulad na kaparusahan; g) paggamit o pag-expose sa bata sa mga mapanganib na bagay kagaya ng apoy, yelo, tubig, sigarilyo, paminta, alkohol, kemikal gaya ng klorox, pestisidyo, o ihi; h) pagtatali sa bata; i) pagkulong sa bata; j) verbal abuse, pagsigaw, pananakot, pagsumpa, pagmumura; k) pamamahiya sa bata sa harap ng maraming tao.
Ayon sa panukalang batas, bukod sa mga magulang, stepparents, adoptive parents, common-law partner, sakop din ng mga maaaring maharap sa kaparusahan ang mga foster parents, guardians, mga institusyong inatasang mangalaga sa bata, mga guro at ibang opisyal ng eskwelahan, yaya, katulong, caregiver at sinumang nakatatanda na naatasang mag-alaga sa bata.
Sa ilalim ng panukala, kahit sino ay pwedeng magsampa ng kaso sa mga magulang at iba pang sangkot sa pananakit sa bata.
Laganap ang corporal punishment sa Pilipinas. Ipinakikita ng mga resulta ng mga pananaliksik sa mga batang Filipinong dumanas ng pang-aabuso na ang mga pinakamalalalang kaso ng pagmamalupit ay isinagawa mismo ng kanilang mga magulang sa ngalan ng pagdidisiplina. Kabilang dito ang pamamalo, pananakit o pambubugbog tulad ng paggamit ng kahoy, sinturon, bato, walis at/o pamamaso ng plantsa, pagsesermon sa bata kahit na ito’y walang maling nagawa, panghihiya sa bata sa harap ng maraming tao, paninigaw, at pagmumura sa bata.
Ayon naman sa isang survey na isinagawa ng Save the Children sa Pilipinas, 85% ng mga bata ang nagsabing sila ay pinarusahan sa loob ng kanilang tahanan at 82% ang nagsabing sinaktan sila sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Sa mga lugar naman na sakop ng UNICEF Philippines country programme, 60% ng mga kababaihan (3.6 milyon) ang nagsabing gumamit sila ng isa o higit pang parusa—maging pananakit man sa katawan o sa isipan—upang disiplinahin ang kanilang mga anak. Sa partikular, 13% ang nagsabing sinaktan nila nang matindi ang katawan ng kanilang mga anak bilang parusa.
Bagamat suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panukalang batas na naglalayong isakrimen ang pagpaparusa sa mga bata, hindi naman lahat ng magulang ay pabor dito.
Sa ginawang pag-uusisa at pag-aaral ng ibang institusyon at pahayagan, ilang mga magulang ang may kanya-kanyang dahilan kung bakit sila payag o tutol sa isinusulong na House Bill 4455 o ang “Positive and Nonviolent Discipline of Children Act” at ng Senate Bill 873 o ang “Anti-Corporal Punishment Act of 2010”.
“Spare the rod, spoil the child,” ay isang kasabihan na hango mismo sa Bibliya na siyang pinaniniwalaan ng ilang mga magulang na tutol batas na ito. Titigas lang daw ang ulo ng mga bata kapag hindi ito papaluin.
Sabi naman ng mga sumang-ayon sa batas, ginawang tradisyon na raw ng mga magulang o guro ang pagpapalo sa mga bata bilang pagdidisiplina sa mga ito. Parang isang cycle kung saan ang taong namulat at pinalaki sa kamay na bakal, pagtanda nito, ganito rin ang paraan nang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak sa hinaharap.
Ang ilan naman sa mga magulang ay naniniwalang dapat pa rin magkaroon ng corporal punishment sa mga bata pero dapat itong ilugar at gawin lamang sa bahay. Hindi na kailangan makita pa ito ng ibang tao dahil ang bata pati ang magulang ay mapapahiya lamang sa publiko.
Nagbigay din ng opinyon ang ilang banyaga ukol dito. Sabi ng isang taga-New Zealand, natututong lumaban at magrebelde ang bata kapag nasobrahan nang pagpapalo. Sabi naman ng isang taga-Estados Unidos, magtatanim ng sama ng loob ang bata sa magulang at baka maging hudyat ito na lumala lang ang problema.
Napakakomplikado ang usapin tungkol sa corporal punishment. Hindi ito basta-bastang pinag-uusapan ng walang sapat na pag-aaral na maaaring makatulong para sa magulang at sa mga bata.
Dapat isaalang-alang ng mga magulang, guro, mambabatas, at awtoridad na gawing prayoridad ang kapakanan ng mga bata. Isama pa rito ang magiging relasyon ng bata sa magulang at kung paano mapagtitibay ito.
Hindi sapat na sabihing sa pamamagitan ng corporal punishment ay naipapakita ng mga magulang ang pagmamahal nila sa mga anak nila. Hindi rin dapat gawing rason ang pagiging makulit o matigas ang ulo ng mga bata dahil likas sa ito sa mga bata.
May mga alternatibong paraan nang pagdidisiplina sa bata na maaaring gamitin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nariyan ang “positive discipline” na isang pamamaraan ng pagtuturo at paggabay sa mga bata na gumagalang sa kanilang karapatan sa maayos na pagkahubog, sa pagiging ligtas sa karahasan at sa paglahok sa proseso ng pagkatuto.
Ang positive discipline ay hindi nangangahulugan ng pagiging maluwag. Hindi rin ito pagpapataw ng parusa. Ito ay pangmatagalang solusyon sa paghubog sa mga bata upang sila ay magkaroon ng kakayahang disiplinahin ang kanilang mga sarili. Ang positive discipline ay tungkol sa pagtuturo ng pagsupil sa karahasan, pakikiramay o pakiki-isa sa nararamdaman ng iba, paggalang sa karapatang pantao, at pagrespeto sa sarili at sa kapwa.
May apat na bahagi ang positive discipline na maaaring isabuhay ng mga magulang, mga kumukupkop sa bata, guro, at iba pang mga tagapag-alaga ng bata. Ito ay ang mga sumusunod: a) pagtukoy sa pangmatagalang adhikain sa pagpapalaki sa bata (ang mga magulang ay mag-iisip ng gusto nilang maabot para sa kaunlaran ng kanilang anak at kung anu-anong mga pagpahahalaga at mga kakayahan sa buhay ang nais nilang matutunan ng kanilang anak); b) pagbibigay ng pagmamahal at istruktura (ang mga magulang ay mag-iisip kung paano sila makapagpapamalas ng pagmamahal, pag-aaruga at pagsuporta sa kanilang mga anak habang sila ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon at malinaw na alituntunin at hangganan para sa magiging asal ng mga bata); c) pag-unawa kung paano mag-isip at makadama ang mga bata (nauunawaan ng mga magulang ang iba’t-ibang antas ng pag-unlad ng bata, kung paano mag-isip at makadama ang mga bata sa bawat edad, at kung bakit ganoon ang kanilang mga gawi); at d) paglutas sa mga suliranin (nauunawaan ng mga magulang ang karaniwang gawi ng mga bata sa iba’t-ibang edad, natutukoy at nakapagsasagawa ang mga magulang ng mga epektibong pamamaraan ng paglutas sa mga suliranin habang binibigyang pansin kung ano ang matututunan ng mga bata mula dito).
Bahagi ng paglaki ng bata ang pagkakamali, kaya naman bakit hindi hayaan ng mga magulang na ipabatid sa mga anak nila na hindi lang sila sa paaralan matututo? Napakalaki ng ating mundo upang maranasan ng bata, bakit hindi na lang hayaan ng mga magulang na tuklasin ito ng bata? Natatakot ba ang mga magulang na baka gawin ng anak nila ang parehong pagkakamali na kanilang ginawa nung bata pa sila?
Hindi pa man ako isang magulang, masasabi kong hindi epektibong paraan ng pagdidisiplina ang corporal punishment. Napakaraming mga bata ang naging biktima ng pang-aabuso’t pang-aapi sa ilalim ng sarili nilang mga magulang.
Bakit laging nakikita ng madla na tama ang isang magulang? Bakit lagi nating naiisip na tanging mga magulang lang natin ang nakakaalam ng kung anong tama para sa atin? Hindi ba natin kayang makapagdesisyon nang wala sila? Kaylangan ba natin lagi ang gabay nila? Hindi ba tao rin sila...nagkakamali rin?
Sana’y mapagtanto nating lahat, magulang ka man o anak, na hindi solusyon ang pagpalo. Sige, paluin mo ang anak mo kung sa tingin mo `yun lang ang tanging paraan para magtino siya. Sige, hatawin mo siya ng dos por dos; tignan natin kung anong mas magmamarka sa anak mo, ang aral na gusto mong ipabatid sa kanya, o ang takot at pagkamuhing dulot ng sakit at sugat ng palo mo sa kanya na sana’y dinaan mo na lang sa personal na usapan na hindi na nangangailangan pa ng pag-aabuso at pananakit.
Samakatuwid, hindi ako pabor sa corporal punishment. Bakit? Saksi ako sa masalimuot na resulta nito. Kahit na hindi ako nagrebelde sa mga magulang ko, aaminin kong may puwang sa puso kong naghahanap ng tunay na pagmamahal nila.
Biktima ako nito kaya alam ko. Sana hindi na dumami ang mga batang makaranas nito. Sana, darating ang araw na ang tunay na pagmamahal ng mga magulang ay hindi lamang sa pagpalo mararanasan.