isinulat ni Joy Enriquez
Sabi nila, mayaman raw sana ang Pilipinas kung hindi kurakot ang mga namumuno dito. Karamihan ay nagsasabi na kaya raw hindi umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa gobyerno at sa mga pinunong sakim sa kapangyarihan at kayaman. Lahat ng sisi ay ibinabato sa gobyerno. Ang mga mamamayan ang laging biktima. Walang umaamin ng kasalanan.
Hindi ba’t mas marami tayong mga ordinaryong mamamayan kaysa sa mga tao sa gobyerno? Hindi ba natin kayang gumawa ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa? Panay ang reklamo natin sa gobyerno, pero ginagawa ba natin ang parte natin para mapaunlad ang bansa? May kontribusyon ba tayong nagagawa para sa ikagaganda ng bansa?
Marami sa atin ang wala nang ginawa kung hindi magreklamo nang magreklamo. Paano uunlad ang bansa kung simpleng mga batas trapiko ay hindi sinusunod? Kung ang simpleng pagtatapon ng basura ay hindi magawa?
Sa nakikita ko ngayon, karamihan sa Pilipino ay walang pakialam sa kanilang kapwa. Ang mga sasakyan ay nakikipagunahan sa isa’t-isa, kung saan-saan tumatawid ang mga tao, kaliwa’t kanan ang mga ilegal na gawain, kung saan-saan nagtatapon ng basura, at nakawan kung saan-saan. Pinipilit ng mga taong gawin ang gusto nila kahit ito ay makakasama.
Isipin na lang natin kung gaano kaganda sana ang ating bansa kung lahat tayo ay tumatawid sa tamang tawiran, kung ang mga kalsada ay malinis at walang basura, kung ang mga drayber ay nagbibigayan at hindi nag-uunahan, kung ang mga pasahero ay sasakay at bababa sa espasyong inilaan para sa kanila. Mababawasan siguro ang trapiko at pagbaha. Mas magiging produktibo siguro tayong mga mamamayan.
Ang solusyon sa problemang kinakaharap ng Pilipinas ngayon ay hindi ang pagkakaroon ng bagong pinuno, kung hindi ay ang pagkakaroon ng disiplina. Mas magiging maunlad ang Pilipinas kung ang lahat ng mamamayan nito ay nagtutulungan.
Masyadong marami ang problema ng bansa para solusyonan ng iisang tao o grupo lamang. Kailangan ang kooperasyon ng bawat mamamayan. Hindi naman hawak ng gobyerno ang mga utak natin. Tayo ang dapat na magkusa para ayusin ang bansa natin.
Ang pagbabago ay mag-uumpisa hindi sa ibang tao kung hindi sa ating sarili. Ang pagbabago ay maguumpisa sa paglaban natin sa pagiging makasarili natin at sa pagaaral natin na mahalin ang kapwa. Ang lahat ng Pilipino ay dapat matutong disiplinahin ang kanyang sarili at mahalin ang kanyang bansa.
Pinilit ng ating mga ninuno na palayain ang bansa mula sa kamay na bakal. Pinaglaban nila ang demokrasya sa bansa. Nararapat lang sigurong patunayan ng bawat mamamayan na hindi nasayang ang pagbuwis ng buhay ng ating mga bayani. Nararapat lang na ipakita natin na hindi natin kailangan ang kamay na bakal para tayo ay sumunod sa ating mga batas.